Standard (EADGBE)

Intro

 Nagsimula ang lahat sa eskwela

 Nagsama-samang labing-dal'wa

 Sa kalokohan at sa tuksuhan

 Hindi maawat sa isa't-isa.

 Madalas ang istambay sa Cafeteria

 Isang barkada na kay saya

 Laging may hawak-hawak na gitara

 Konting udyok lamang kakanta na.

Refrain i

 Kay simple lamang ng buhay non

Walang mabibigat na suliranin

 Problema lamang laging kulang ang datung

 Saan na napunta ang panahon?

Chorus i

Saan na nga ba, saan na nga ba?

Saan na napunta ang panahon

Saan na nga ba, saan na nga ba

Saan na napunta ang panahon?

 Sa unang ligaw kayo'y magkasama

 Magkasabwat sa pambobola

 Walang sikreto kayong tinatago

 O kay sarap ng samahang barkada

 Nagkawatakan na sa kolehiyo

 Kanya-kanya na ang lakaran

 Kahit minsanan na lang kung magkita

 Pagkakaibiga'y hindi nawala.

Refrain ii

 At kung saan na napadpad ang ilan

 Sa dating eskwela meron ding naiwan

 Meron pa ngang mga ilang nawala na lang

 Nakaka-miss ang dating samahan

Chorus ii

Saan na nga ba, san na nga ba

Saan na nga ba'ng barkada ngayon?

Saan na nga ba, saan na nga ba

Saan na nga ba'ng barkada ngayon?

 Adlib: -- (Chord pattern)

timingan nyo na lang..esp sa mga unang note...sabayan nyo sa kanta...

 Ilang taon din ang nakalipas

 Bawat isa sa amin, tatay na

 Nagsusumikap upang yumaman

 At guminhawang kinabukasan.

 Paminsan-minsan kami'y nagkikita

 Mga naiwan at natira

 At gaya nung araw namin sa eskwela

 Pag magkasama ay nagwawala

Refrain iii

(Do chords pattern)

Napakahirap malimutan

Ang saya ng aming samahan

Kahit lumipas na ang ilang taon

Magkakabarkada pa rin ngayon.

Coda

Magkaibigan, mga kaibigan

Magkaibigan pa rin ngayon

Magkaibigan, magkaibigan

Magkabarkada pa rin ngayon.

(Repeat over and over till Fade)