Standard (EADGBE)

Chorus

nandito na naman kame

nagkakantahan sa isang tabi

katulad ng dati pagkatapos ng klase

lagi kang meron katabing nagsasabi

wag kang magkakamali

palampasin ang sandali

kelangan palaging positibo parati

dapat maniwala ka na merong nagsasabi

(1)

oras na para gumawa ng panibagong

orasyon na pwede kantahin ng mga gago

tara samahanan niyo ko na muling maglibang

para sa mga katulad mong nag aalangan

teka lang di naman kelangan magmadali

dapat lang siguro na wag kang magpapahuli

sapagkat ang oras natin ay may katapusan

kailangan mong gamitin sa makabuluhan pasok

teka muna,teka muna teka muna teka

katatapos ko lang isulat ang mga letra

hampasin ang tambol at kaskasin ang gitara

kasamang muli'ng pinaka malupit na banda

pero ngayon ay babaguhin ang tema

ito'y awit na sasaludo sa mga naunang

musikero gitarero tambulerong magaling

na kahit kanino itapat san mang labanan angat parin

(chorus)

(2)

nagsimula kami ng mga ninety three

mga batang di mapigil sa pagpupursigi

mga batang di maawat ng mga hadlang

sapagkat sila'y nakatingin sa pupuntahan

namulat sa 'heads at kay sir magalona

alam ko sa loob ko na nagsisimula na

sila ang nagsupply at naglagay ng gasolina

si kiko kay gloc at ang eheads sa parokya

ibang klase ang pinoy pag dumating na sa tugutugan,

nagyuyuyugyugan siguradong di ka magtutulog-tulugan

pag narinig mo ang bagong gawa ni chito at ni gloc

kung ikay samiy sumasang ayon ay pumalakpak ng malakas

itaas ang kamay at sumigaw

para sa talong bitu-win at isang araw

mga bata rin kami katulad ng iba

tagahanga rin kame ng mga kanta nila

(chorus)

(3)

gusto lamang naming sabihin pangarap ay laging habulin

kahit na kinakapos ang hininga moy pigilan

initin natin ang kalan para tubig kumulo

kailangan timbain ang posa para baldi'y mapuno

wag kang magpapabola sa iba hindi ito madali

kung meron gusto pare huwag kang magmadali

tatama ka rin kahit medyo purao mali

ipunin lahat ng piraso kahit na hati-hati

kasi isa lang ang tatandaan

walang nakaharang na di kayang lampasan

para di ka mahuli kailangan mong paspasan

lagi mong patalimin ikas kas sa hasaan

ang kutsilyo martilyo ang kailangan

para palubugin lagi ang pako

ikutin ang antena kung tv ay malabo

huwag kang matakot na tumaya ng pati pato kanta na!

(chorus)

copy paste at iprint na :D

mabenta sa inuman to parang yes yes show. :D

astig ang parokya. :D