Standard (EADGBE)

Intro

Stanza 1:

 'Di ba't sinabi mo sa'kin dati na

 Mahirap kumain ng tsokolatteng

 Natunaw at parang wala nang korte

 Kadiri nang kainin, mukha ng ta-

Refrain 1

 Ewan ko ba kung bakit mahirap ibalik sa original na hugis

 'Pag nalusaw na sa init

Chorus 1

 Parang tiwala pag nasira na

 Mahirap nang ayusin pa

 'Di kayang ipagdikit ang tiwala pag napunit!

Stanza 2:

 Parang nangyari kailan lang...

 Meron akong nakitang nakatagong regalo sa loob ng kotse mo!

 Hugis puso na kahon at may red na ribbon...(mamahaling tobleron)

 At nu'ng aking tingnan para sa'yo

 Mula kay Christian, agad kong

 Binuksan, tsokolatte ang laman...

 At 'di ko malaman kung ba't kinakailangang

 Itago sa akin ang katotohanan

 Ang dami-dami mo palang tsokolatte

 Hindi ka man lamang nagsasalita

Refrain 2

 Ewan ko ba kung bakit

 Hindi ko napigilan

 Ang regalo mo'y naubos ko nang

'Di ko nalalaman!

Chorus 2

 Parang tiwala pag naubos na!

 Bigla biglaan talaga!

 Mahirap nang makita

 Kapag minsa'y nawala...

Bridge

 At kahit na pilitin, 'di mo na mapapalitan

 Kahit hanap-hanapin,

 'Di mo na mababalikan

 Kahit sabihin natin

 Na ika'y napagbigyan,

 'Wag na lang...

Ad lib: A-Bm(4x)

Refrain 3

 Ewan ko ba kung bakit

 Mahirap tanggalin ang tsokolate

 'Pag natunaw at kumapit

 Na sa ngipin!

Chorus 3

 Parang tiwala 'pag namantsahan na!

 Mahirap nag linisin pa,

 'Di kayang burahin

 Kahit na anong gawin!

 (fading) parang tiwala!