Standard (EADGBE)
Verse i
Itong awiting ito
Ay alay sa'yo
Sintunado man 'to
Mga pangako ko sa'yo
Ang gusto ko lamang
Makasama kang tumanda...
Instrumental
Verse ii
Patatawanin kita
'Pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita
'Pag may rayuma ka na
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda
Verse iii
Ibibili ng balut
'Pag mahina'ng tuhod
Ikukuha ng gamot
'Pag sumakit ang likod
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda (Oh)
Chorus
Sasamahan kahit kailanman
Mahigit kumulang 'di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand one
Verse iv
Mag mukha mang bruha
'Pag gising sa umaga
Pupunasan ko pa
Ang muta mo sa mata
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda
Verse v
Paglalaba pa kita
Matapos mamalantsa
Kahit abot-abutin
Man ako ng pasma
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda (Oh)
Chorus
Sasamahan kahit kailanman
Mahigit kumulang 'di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand one
Verse vi
Loves na loves parin kita
Kahit bungi bungi ka na
Para sa 'kin ikaw parin
Ang pinakamaganda
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda
Verse vi
At nangangako sa'yo
Pag sinagot mong oo
Iaalay sa'yo
Buong puso ko
Sumangayon ka lamang
Kasama kang...
Tumanda