Standard (EADGBE)

Chorus

Ako’y isang Sirena

Kahit anung sabihin nila

Ako ay ubod ng Ganda

Ako’y isang Sirena

Kahit anong gawin nila

Bandera ko’y di tutumba

Drum na may tubig ang sinisisid

Naglalaking mga braso, saki’y dumidikdik

Drum na may tubig ang sinisisid

Sa patagalan ng paghinga sakin kayo ay bibilib

1st Verse:

Simula pa nang bata pa ako

Halata mo na kapag naglalaro

Kaya parang lahat ay nalilito

Magaling sa Chinese garter at piko

Mga lagi ko’y pulang-pula

Sa bubblegum na sinapa

Palakad-lakad sa harapan ng salamin

Sinasabi sa sarili anong panama nila,

Habang kumekembot ang bewang

Mga hikaw na gumegewang

Gamit ang pulbos na binili kay aling bebang

Upang matakpan ang mga pasa sa mukha

Na galing sa aking ama na tila di natutuwa

Sa tuwing ako’y nasisilayan, laging nalalatayan

Na imbis na tumigas ay tila lalong lumambot

Ang puso kong mapagmahal para pilik matang kulot

(Back to cHorus)

2nd Verse:

Hanggang sa naging binata na akom

Teka muna mali dalaga na pala to

Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin

Ano bang mga problema nyo?

Dahil ba ang mga kilos ko’y iba

Sa dapat makita ng inyong mata

Sa tuwing nanunuod ng liga laging na tutulala

Kahit di pumasok ang bola ako’y tuwang-tuwa

Kahit de kalyo na sa tapang

Kase ganin na lamang

Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang

Tama na naman ita’y di na po ako pasaway

Di ko na po isusuot ang lumang saya ni ina’y

Kapag ako’y na-iiyak ay sumusugod sa ambon

Iniisip ko na lamang na baka ako’y ampon

Kase araw-araw na lamang ay walang humpay na banat

Ang inaabot ng ganda kong pang ilalim ng dagat.

(Back To Chorus)

Last Verse:

Lumipas ang mga taon na nagsipag-asawa

Aking mga kapatid lahat sila’y sumama

Nagpakalayo-layo ni hindi makabisita

Kakain na po ita’y nakahanda na’ng lamesita

Akay-akay sa paglakad paisa-isang hakbang

Ngayo’y buto’t balat ang dating matipunong katawan

Kaya sayong kaarawan susubukan kong palitan

Ang lungkot na nadarama, wag na po nating balikan

Kahit medyo naiinis, hindi dahil sa nagkacancer

Kase dahil ang tagapag-alaga mo’y nakadaster

Isang gabi ako’y iyong tinawag, lumapit

Ako sayong tabo ako’y timangan, kumapit

Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita

Anak patawad sana sa lahat ng aking nagawa

Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha

Dahil kung minsan mas lalake pa sa lalake ang bakla

(Back To Chorus)

Ako’y isang Sirena

Kahit anong gawin nila

Bandera ko’y di tutumba.......