Standard (EADGBE)

Intro

--

 Sa isang kulungang bakal ay may taong malungkot, umiiyak

 Ang tanong n'ya sa sarili ay kailan magigisnan ang liwanag

 Malayo ang iniisip at nakakuyom yaring mga palad

 Bakit daw s'ya nagdurusa sa kasalanang 'di n'ya ginawa

 Kahapon lamang ay kapiling n'ya kanyang asawa at anak

 Namumuhay nang tahimik sa isang munting tahanang may tuwa

 Ang kaligayahan ay pinutol ng isang paratang sa kanya

 S'ya daw ang may sala sa isang krimen na 'di naman n'ya ginawa

 Wala na bang katarungan ang isang nilalang na katulad n'ya

 Ilan pang tulad n'ya ang magdurusa nang walang kasalanan

 'Di ba't ang batas natin pantay-pantay, walang mahirap, mayaman

 Bakit marami ang nagdurusang mga walang kasalanan

 Mga ilang araw na lang haharapin na n'ya ang bitayan

 Paano n'ya isisigaw na s'ya'y sadyang walang kasalanan

 Tanging ang Diyos lamang ang s'yang saksi at s'yang nakakaalam

 Diyos na rin ang s'yang bahalang maningil kung sino'ng may kasalanan

 Dumating na ang araw, haharapin na n'ya kanyang kamatayan

 Sa isang upuang bakal na kay dami nang buhay na inutang

 O, ang batas ng tao kung minsan ay 'di mo maintindihan

---

Ilan pang tulad n'ya ang magdurusa nang walang kasalanan

RATE PLZ...