Standard (EADGBE)

Intro

 Ako ang nakikita, ako ang nasisisi

 Ako ang laging may kasalanan

 Paggising sa umaga, sermon ang almusal

 Bago pumasok sa eskwela

 Kapag nangangatwiran, ako'y pagagalitan

 Di ko alam ang gagawin

 Ako'y sunud-sunuran, ayaw man lang pakinggan

 Nasasaktan ang damdamin.

Refrain

 Ako'y walang kalayaan

 Sunod sa utos lamang.

 Paggaling sa eskwela, diretso na ng bahay

 Wala naman akong aabutan

 Wala doon si Nanay, wala doon si Tatay

 Katulong ang naghihintay

 Pagtawag ng barkada, sa kanila'y sasama

 Lagot na naman paglarga

 Kapag nangangatwiran, ako'y pagagalitan

 Di ko alam ang gagawin.

Repeat Refrain & 1st verse

Repeat Refrain

  break break

Ako ang nakikita, ako ang nasisisi

  break

Ako ang laging may kasalanan.