Standard (EADGBE)

Intro

Isang araw...

Stanza 1:

  Pumunta ako sa tindahan ni Aling Nena

  Para bumili ng suka

  Pagbayad ko aking nakita isang dalagang

  Nakadungaw sa bintana

  Natulala ako, laglag ang puso ko

  Nalaglag rin ang sukang hawak ko

Stanza 2:

  Napasigaw si Aling Nena

  Ako naman ay parang nakuryenteng pusa

  Ngunit natanggal ang hiya nang nakita ko na

  Nakatawa ang dalaga

  Panay ang sori ko, sa pagmamadali

  Nakalimutan pa ang sukli ko.

  Pagdating sa bahay, nagalit si nanay

  Pero oks lang, ako ay in-lab nang tunay.

Chorus 1

  Tindahan ni Aling Nena

  Parang isang kuwentong pampelikula

  Mura na at sari-sari pa ang itinitinda

  break

Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera.

Stanza 3:

Pumunta ako sa tindahan kinabukasan

Para makipagkilala

Ngunit sabi ni Aling Nena

Habang maaga'y huwag na raw akong umasa

Anak niya'y aalis na, papuntang Canada

Tatlong araw na lang ay babay na.

(Repeat Chorus)

Stanza 4:

Hindi mapigil ang damdamin

Ako'y nagmakaawang ipakilala

Payag daw siya kung araw-araw

Ay meron akong binibili sa tinda niya.

Ako'y pumayag at pinakilala niya

Sa Kanyang kaisa-isang dalaga

Ngunit nang makilala, siya'y tumalikod na

At iniwan akong nakatanga.

(Repeat Chorus 1)

Chorus 2

  Tindahan ni Aling Nena

  Dito nauubos ang aking pera

  Araw-araw ay naghihintay

  O Aling Nena, plis naman, maawa ka

Alam ninyo'ng nangyari?

Finale:

  Wala.....wala......ahh...

O Diyos ko!

  Wala.....wala......ahh...