Standard (EADGBE)
Intro
Chords: C G Am F (for the whole song)
Verse 1
Di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman
Pag katabi kita 'di ako makapagsalita pero di ibig sabihin no'n
Na ayaw kita at 'di kita gusto
Sadyang kumakaba lang ang damdamin ko
Gusto ko mang sabihin sa'yo
Pero ang lakas ng hiya ko
Parang ewan lang
Binibini ng buhay ko handa akong ialay ang
Lahat sabihin mo lang at gagawin ko para lang sa'yo
Chorus
Handa akong ibigay lahat ng sa akin
Sayo di-di-di-di di di ko kayang mawala ka sa akin
Ikaw ang dahilan ng aking paghinga
Sana'y habang buhay ka ng makasama p
'Pagkat masaya 'ko sa'yo
Verse 2
Naghihintay ng tala
Na daraan sa aking paningin pagkat gusto kong humiling na
Sana ang pinakatinatangi-tanging babae
Na sa akin nakapagdulot ng kakaibang saya'y di na mawalay pa at dahil baka
Di ko kayanin to oohh
Ikaw ang siyang pinakamakislap na bituin
Para sa akin sinta oooh
At ikaw rin ang siyang nagsisilbing matamis na panaginip ko
(Repeat Chorus)
Verse 3
Ikaw ang musikang naglalaro sa isipan ko oooh
Ikaw ang siyang awit ko, sana akoy dinggin mo
Ako ay parang emo kung magdrama
Sayo lang nadama sayang kakaiba
Kung baga ikaw si wendy ako si peter pan
Sanay sumama ka sakin dun sa neverland
Nang mapagsaluhan natin ang pag-iibigan
Na walang katapusan na walang hanggan
At ikaw ang nagbigay ng kahulugan
Sa buhay ko at ikaw ang siyang nagbigay sa aking ng kabuluhan
Kung bakit ako ipinanganak ng magulang ko
Siguro nga ay para lamang ibigin ang isang
Binibini na nababalutan ng mga anghel sa paligid
At nagdudulot ng sayang nakakaparalisa
Nagpapasalamat ako sa itaas dahil
Pinakilala ka niya sakin
Sana ay di-di-di-di ka na Niya kunin sa'kin
Dahil di ko kakayanin
(Repeat Chorus 2x)