Standard (EADGBE)

Nakita mo na ba ang mga bagay na dapat mong makita

Nagawa mo na ba ang mga bagay na dapat mong ginawa

 Kalagan ang tali sa paa

 Imulat na ang yong mga mata

 Kay sarap ng buhay lalo na’t alam mo kung saan papunta.

May mga taong bulag kahit dilat ang mata

 May mga taong tinatalian sariling kamay at paa

 Problema’y tinatalikdan

 Salamin sa mata’y hindi makita.

Kay sarap ng umaga lalo na’t kung ika’y gising

Tanghali maligaya kung ika’y may makakain

 Pag gabi ay mapayapa kung mahal sa buhay ay kapiling

 Kay sarap ng buhay lalo na’t alam mo kung saan papunta.

Gising na kaibigan ko

Ganda ng buhay ay nasa ‘yo

Ang oras daw ay ginto

Kinakalawang lang pag ginamit mo.

Kailan ka pa magbabago

Kailan ka pa matututo

 Ang lahat ng ilog sa dagat patungo

 Buksan ang isipan at mararating mo

Kay ganda ng buhay sa mundo. (Repeat first verse)