Standard (EADGBE)

Intro

Sa isang puno sa katimugan

 Sa isang maharlikang tahanan

 May isang binatang pinaparusahan

 Tanging hangad kapayapaan

 Sinuway niya ang kanyang amang sultan

 Pagka't ang nais niya'y katahimikan

 Katahimikan sa kanyang bayang sinilangan

 Anak ng sultan ngayo'y pinaparusahan pagka't duwag daw ng angkan

 Higit duwag ba ang tawag sa mga taong ang hangad ay kalayaan

 Sigaw ng puso niya'y kapayapaan sa kanyang bayang sinilangan

 Magtiis ka muna, kaibigan

 May ilaw sa kabila ng kadiliman

 Dagat man daw na kay lalim, may hangganan

 Umasa ka't maririnig ang sigaw mong kapayapaan

Interlude

 Ako'y nagtataka kung bakit ang magkapatid ay dapat pang maglaban

 Ako'y nagtataka kung bakit may taong kapwa tao'y pinapahirapan

 Kailan pa matatapos ang paghihirap ng aking kalooban

 Magtiis ka muna, kaibigan

 (At ako na buhay dito sa mundo ay di ko maunawaan)

Ang buhay ay di mo maunawaan

 (Kailan pa kaya makikita ang hinahanap kong kapayapaan)

Ang lahat ng bagay ay nagdadaan lamang

 (Kailan pa masasagot ang lahat ng aking mga katanungan)

 Lahat ng kasagutan ay nasa iyong pinanggalingan

  break

Magtiis ka muna kaibigan

May ilaw sa kabila ng kadiliman

Dagat man daw na kay lalim, may hangganan

(/,/,)

Umasa ka't maririnig ang sigaw mong kapayapaan

 Magtiis ka muna kaibigan

 May ilaw sa kabila ng kadiliman

 Dagat man daw na kay lalim, may hangganan

 Umasa ka't maririnig ang sigaw mong kapayapaan

Coda

---- hold